It’s Complicated
Pumunta ako sa room nila Julie, nang makita ko siya ay kinawayan ko kagad siya at bumulong ako .. “Canteen.” Alam kong nabasa niya sa bibig ko ang sinabi ko dahil ngumiti siya at tumango. Ang tagal naman kasi silang palabasin ng prof nila. Maghihintay na naman tuloy ako. Pero okay lang, basta sabay kaming maglalunch ni Julie.
Bumaba na ko papuntang canteen, dun ko siya hinintay. Ilang araw na rin na palagi kaming magkasabay maglunch, minsan sa pag-uwi rin at pagpasok sa school. Dati hindi naman kami ganito kaclose e.
Magkasama kami sa Music Club, madalas na siya yung nakakaduet ko tuwing may event sa school. Pero nag-uusap lang kami kapag may gusto akong itanong tungkol sa kakantahin namin. Simula nang nagkakilala kami ganun lang palagi, magkakausap lang kami pag may kailangan kaming sabihin sa isa’t isa na tungkol lang sa music club.
But one time, habang inaaral namin yung kakantahin namin, bigla siyang nagsalita.
“May nakasalubong ako kanina sa hagdan, feeling ko mga new students yun e.” nilingon ko siya, nakangiti siya sakin. Hinihintay ko kung anong susunod na sasabihin niya.
“Sabi nila sakin, ‘Julie, nakita ko yung boyfriend mo may kasamang ibang babae!’ nagtaka ako kung sinong boyfriend tinutukoy nila e wala naman akong boyfriend! Hahaha!” ang lakas ng tawa niya, ngumiti na lang ako. Ngayon lang siya nagkwento sakin ng ganito.
“Tinanong ko sila kung sinong boyfriend? Sabi ba naman nila ‘Bakit? Marami ka bang boyfriend?’ Hahahaha. Mga adik lang e!” tumawa na naman siya, ilang beses ko na siya nakikita at naririnig tumawa, pero iba pala yung feeling pag ako mismo kausap niya habang tawang-tawa siya.
“Sabi nila, ‘si Elmo’ nakita ka daw nila na may kasamang babae na taga kabilang school. Natawa na lang ako, ikaw pala yung sinasabi nilang boyfriend ko daw! Hahahaha.” Hindi naman ako masyadong nagulat na napagkamalan akong boyfriend niya. Sa halos lahat ng events kasi sa school hindi pwedeng hindi kami magpeperform dalawa. Ewan ko, pero nakakakilig ba talaga kaming dalawa sa stage? Kasi pag tinawag na pangalan namin, lahat sila nagwawala na at tumitili.
“Baka si Natasha yung tinutukoy nila.” Sabi ko sa kanya.
“Natasha?” nakita ko sa mata niya na gusto niya pang magkwento ako about kay Natasha.
“Si Natasha, taga kabilang school nga siya, magkasama kami kahapon. Pinakilala siya sakin dati ng isa kong friend na dun din nag-aaral.”
Tumango si Julie “Ah.. Girlfriend mo?”
Tiningnan ko lang siya, at napaisip rin ako. Girlfriend ko nga ba si Natasha? Halos araw-araw din kasi kaming magkasama, magkatext at magkausap. Tapos pag may mga gimik ang barkada siya lagi kausap ko. Kala din ng tropa ko kami, kasi sa mga kilos namin, para ngang kami pero never pa namin napag-usapan kung ano nga bang meron kami.
Hindi pa man ako nakakasagot sa tanong ni Julie e tumayo na siya, siguro inisip niya na ayaw kong sagutin yung tanong niya. Hindi naman sa ayaw kong sagutin, pero hindi ko rin talaga kasi alam e!
Kahit siya ang duet partner ko, hindi talaga naman magawang maging close sa isa’t isa. Pero nagbago ang lahat ng mapili kami na maging lead roles sa musical na gagawin ng club namin. Simula nun, araw-araw na kaming magkasama, araw-araw kasi ang rehearsals e! Tapos pag break time, nakakakwentuhan ko na rin siya. Alam kong makulit at kwela siya, kasi ganun yung nakikita ko tuwing kausap niya yung mga kasama namin sa club. Ngayon, medyo nasasanay na rin akong makipagkulitan sa kanya. Kung dati, seryoso ako at halos di nagsasalita, ngayon napapakita ko na sa kanya ang tunay na ako.
Halos 15 minutes na kong nakatingin sa entrance ng canteen. Nakita ko na pumasok si Julie at nililibot ang paningin, tinaas ko yung kamay ko at kumaway, nakita naman niya kagad. Ngumiti siya at naglakad na papunta sakin. Tumayo na ko at sinalubong na lang siya, then bumili na kami ng makakain namin. Habang nakapila kami, napapansin ko na yung limang lalaki na nakaupo sa tabi ng table na inuupuan ko kanina, ang sama nila makatingin. May ginawa ba ko sa kanila? Hindi ko na lang pinansin pero ang sama talaga ng tingin nila e! Bumalik kami sa table bitbit yung pagkain namin, umupo siya tapos umupo din ako sa tapat niya. Tiningnan ko ulit yung mga lalaki, ang sama pa rin ng tingin sa kin. Tumayo ako at lumipat sa tabi ni Julie. Ngumiti lang siya.
Habang kumakain kami, hindi ko na napigilan magsalita.
“Tingnan mo yung nasa kabilang table, kanina pa ang sama ng titig sakin.”
Hindi siya tumingin. “Baka mga bading.” Tapos tinuloy niya lang yung pagkain niya.
“Mga bading? E mukha ngang mga siga!”
Nilingon niya na yung mga lalaki, parang naiba yung mukha niya tapos napailing.
“Kilala mo ba sila?”
Tumango siya. “Hayaan mo na, makukulit yan e.”
“Makukulit? Panong makukulit? Magkakakilala ba kayo? Mga manliligaw mo ba yan?”
Umiling lang ulit siya.
“Weh? Hindi ka nililigawan ng mga lalaking yan?”
“Hindi nga. Hindi ko sila pinayagan.” Napalunok ako nung narinig ko yun.
“Kaya naman pala ganun makatitig sakin e!”
“Kaya nga sabi ko sayo, hayaan mo na lang. Naninibago lang yan, na may kasama akong lalaki. E diba dati, puro girls talaga kasama ko?”
“Oo nga, napansin ko rin yun. Bakit parang wala kang kaibigang boys?”
“Wala, umiiwas lang ako. Dati kasi pala kaibigan naman ako kahit kanino, kahit sa mga lalaki. Pero pag nagiging friends ko na sila yung tipong napagkakatiwalaan ko na sila tsaka sila bibira na gusto nilang manligaw, e hindi pa talaga ko ready sa mga ganyan e. Nahihirapan lang ako tanggihan pag kabigan ko na, pero wala akong magagawa, hindi ko man sila gustong saktan, kailangan ko pa rin gawin, kaysa naman payagan ko nga sila pero wala naman silang mapapala diba? Then yung napapansin ko na ganun lagi nangyayari pag nagkakaron akong kaibigang guy, sinusubukan ko na lang na umiwas. Kasi mas madaling tumanggi sa mga hindi mo pa naman ganun kilala. Ayan tuloy, napagkakamalan akong man hater. Hahaha. Pero okay lang.”
“Eh bakit ako? Bakit sumasama ka sakin? Bakit parang okay lang sayo na maging ganto tayo kaclose?” bigla kong tanong sa kanya. Ewan, basta gusto ko lang malaman kung anong pagkakaiba ko.
“Bakit? May balak ka bang ligawan ako?”
Nakita kong nagulat siya sa tanong ko, pero mas nagulat ata ako sa sinagot niyang tanong rin! Hindi ako nakasagot, bigla siyang natawa. Hindi ko alam kung anong itsura ko sa sinabi niya, pero nagulat talaga ko nang tinanong niya ko. May balak nga ba kong ligawan siya?
Nang matapos kami kumain, dumiretso na kami sa theater para magrehearse. Kung kanina limang lalaki lang ang napansin kong masama ang titig sakin, ngayon halos lahat ng makakasalubong namin ang sama ng tingin sakin.
“Kung nakakamatay lang ang tingin, baka kanina pa ko pinaglalamayan.” Bulong ko kay Julie. Natawa siya at tinapik tapik yung likod ko, “Hayaan mo na lang sila..”
Ngayon, narealize ko kung gano ko kaswerte noon pa man. Akalain mong halos lahat pala ng boys ng campus ay inggit na inggit sakin!? Well, patayin nila ko sa tingin, pero mamamatay naman sila sa inggit!
—
Nasa scene na kami na nakaupo kami sa isang bench ni Julie tapos nakaakbay ako sa kanya, at naka’lean siya sakin, sabay kaming kumakanta then biglang nasira yung audio, kaya napahinto kami at napatingin kay Direk Ramsey. Lumingon din sa taas si direk, nandun kasi yung technical tapos nagsalita siya sa mic “Anong problema dyan?”
Nakatingin lang kami ni Julie sa taas pero hindi pa rin kami gumagalaw sa pwesto namin, nakaakbay pa rin ako sa kanya. Tapos yung umakyat si direk sa technical, naisip siguro ni Julie na matatagalan pang maayos yung audio kaya bahagya syang dumistansya sakin, tinanggal ko na rin tuloy yung pagkakaakbay ko sa kanya.
Narinig ko siyang tumawa, pagtingin ko sa kanya pinagmamasdan niya si Jade, yung anak ni Direk Ramsey.. Paikot ikot sa stage si Jade, at naglalaro. “Paglaki niyan, singer yan!” sabi ni Julie. Pinaglalaruan kasi ni Jade yung mic, sabi ni Julie nung maliit siya madalas din niyang paglaruan yung mic nila.
Maya maya napatingin samin si Jade at lumapit. Ngumiti si Julie sa kanya.. “Hi Jade..” nginitian din siya ni Jade.
“Hi Ate Julie! Hi Kuya Elmo!” napangiti rin ako kay Jade.
“Ate Julie, boyfriend mo ba si Kuya Elmo?”
Nagkatinginan kami ni Julie tapos sabay kaming natawa.
“Kaibigan ko lang si Kuya Elmo, Jade.. Magkaibigan lang kami.” Nakangiting sagot ni Julie kay Jade. Ngumiti rin ako pero sa loob loob ko, ayoko ng magkaibigan lang kami..
“Weh? Di nga?” hindi naniniwala yung bata, bwahahahaha!
Umusog pa ko kay Julie tapos inakbayan ko siya at kinabig papalapit sakin. “Kaibigan niya lang talaga ko Jade..”
Tumingin sakin si Julie tapos tumawa, sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko .. “Promise Jade, friend ko lang si Elmo!”
Napakamot ng ulo yung bata. Hahahaha. Naguluhan ata lalo siya kaya tuloy umalis na lang siya at sa iba nangulit. Nang makalayo si Jade, siniko ako ni Julie.
“Pati ba naman bata, pinagtitripan mo!”
“Bakit? Naki’ride ka rin naman ah! Nangtrip ka rin! Hahahaha..”
Tumawa lang siya, pero di niya na inalis yung ulo niya sa pagkakasandal sakin. Hinigpitan ko lalo ang pagkakaakbay sa kanya at sinandal ko na rin yung ulo ko sa ulo niya, para siguradong di na siya makakaalis! Hahahahaha!
“Ang bango..” bulong ko sa kanya pagkatapos kung amuyin yung buhok niya.
“Mabaho?” nilingon niya ko tapos ngumuso… Ang cute niya! Hahahaha!
Kinurot ko yung ilong niya sa sobrang gigil, “Sabi ko mabango diba! Hahahaha, hindi yun sarcastic! Totoo yun!”
“Aray ko naman!!”
“Awwwwww… Masakit??” pang aasar ko pa sakanya..
“Ang sakit kayaaaaaa..” kinakamot kamot niya yung ilong niya.
Hinawi ko yung kamay ni Julie tapos kiniss ko yung nose niya. “Ano? Masakit pa?”
Sa ginawa kong yun, pwedeng sampalin niya ko. Pero ngumiti lang siya at sumandal ulit sa balikat ko. Kaso napalakas ata yung pagkakasandal niya. Tumama yung ulo niya sa panga ko.
“Aray!!”
“Sorry! Sorry! Hahahahah!!”
“Ang sakit kayaaaaaaaa!”
Nagulat ako nung nilapit niya pa lalo yung mukha niya tapos hinalikan niya yung jaw ko.
“Ano? Masakit pa?”
Lumaki ung ngiti ko.. “Awwww! Masakit pa rin! Dito pa oh!!”
Hinawi niya yung mukha ko nung nilalapit ko yun sa kanya. “Style mo naman!! Hahahaha!” tapos sumandal na siya ulit sa balikat ko. Habang hinihintay namin na maayos yung audio nanatili na lang kami sa ganung posisyon. Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakaakbay ko sa kanya. Ang sarap siguro katabi ni Julie sa pagtulog nu! Hahahaha :P
Saglit lang kaming nakapagrehearse kasi pareho kaming may last class pa sa hapon. Papunta na kami sa room namin, ako sa 3rd floor, siya sa sa 4th floor pa. Nagulat siya nang sumabay pa rin ako nung papaakyat na siya sa 4th floor.
“Oh? Third floor na to ah?”
“Hahatid na kita.”
“Kaya ko naman pumunta sa room ng mag—-“ nadulas siya paghakbang niya sa hagdan, buti na lang nahawakan ko siya sa likod at braso niya.
“Ano ulit yung sinasabi mo?” nakangiti akong nang-aasar sa kanya.
Hinampas niya yung braso ko “Salamat! Hahaha!”
“Kaya mo pala ah! Eh muntik ka nang mahulog!”
“Sorry naman, tanga lang! Hahahaha.”
Habang paakyat kami, nakahawak na ko sa likod niya. Hindi ko na inalis yun simula nang madulas siya. Kaya hanggang sa hallway pinagtitinginan kami. Pero hindi naman nagrereklamo si Julie. Hihihihihi! :p
Narating na namin yung room niya bago siya pumasok ngumiti muna siya sakin..
“Salamat ah..”
Ngumiti na lang din ako. Nakalimutan ko pang sabihin na dadaanan ko siya mamayang uwian! Tsss..
Pumasok kasi kagad siya ng room eh. Pero narinig ko na parang inaasar pa siya ng mga classmates niya..
Pagkatapos ng klase ko, tumakbo kagad ako sa room nila. Oo as in takbo! Excited ako makita siya e! Two weeks na kaming magkasabay umuwi. Pagkadating ko sa room nila nagsisilabasan na yung mga classmates niya, pero hindi ko pa rin siya makita. Pasilip silip ako sa loob ng room, hanggang sa lumabas si Fatima, yung bestfriend niya.
“Fatima, nasa loob pa rin ba si Julie?”
“Wala na. Kanina pa umalis yun e. Hindi ba kayo nagkita? Akala ko nga nagmamadali kasi naghihintay ka e.”
“Hindi ko pa siya nakikita e.”
“Baka nga umuwi na.”
Tumango na lang ako at nakayukong naglakad palayo. Hindi man lang siya nagpaalam sakin. Friday pa naman bukas, tanghali pa pasok namin, tapos wala pang reh! Ang tagal na oras na hihintayin para makita ko siya ulit.
Pagdating ko ng bahay, hawak ko lang yung phone ko. Itetext ko siya, pero hindi ko naman alam yung sasabihin ko. Sige na nga, bahala na!
“Kain na!” huminga pa kong malalim pagkatapos kung isend. Maya-maya nagreply na siya.
‘Tapos na po. :) ’
Napangiti agad ako…
“Good.”
‘Ikaw, kumain ka na ba?’
“Hindi pa. Diet! Hehe”
‘Diet!? Sa payat mong nyan, diet?! :p’
“Grabe ka naman. May muscles naman ako ha!”
‘Hahahaha. Saan? Wala akong nakikita.’
“Meron kaya!”
‘Osige, naniniwala na ko. Wait, may gagawin lang ako.’
“Oks!”
May gagawin ba talaga siya o ayaw niya lang talaga kong katext? Kanina iniwan niya ko at hindi sumabay sakin pag-uwi, ngayon parang ayaw niya naman ako katext. Iniiwasan niya na ba ko? Iniisip na kaya niya na baka manligaw rin ako sa kanya kaya siya umiiwas na ngayon? Hindi ko rin kasi alam kung liligawan ko nga siya. Basta, masaya ako pag kasama ko siya. Simula nung naging ganito na kami kaclose parang ayoko na malayo sa kanya. Aminado ako noon na parang binabalewala ko lang siya. Ewan ko ba, maganda naman si Julie e, hindi lang maganda, sobrang ganda! Tapos talented at matalino pa, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya diba? Pero bakit ko nga ba nakuhang balewalain siya noon? Tanga nu?
11pm na, busy pa rin kaya siya?
“Busy pa rin?”
‘Hindi na. Hinihintay ko nga text mo e.’
Kinilig ako sa reply niya. Ano ba yan! Ang bading ko masyado! Hahahaha. Basta, kinikilig ako. Yun na yun!
“Akala ko kasi busy ka pa rin e. Hehe.”
‘Nasabi sakin ni Fatima na pumunta ka daw sa room kanina?’
“Yup, kaso umuwi ka na e. Hindi kita naabutan :( “
‘Sorry, hindi na ko nakasabay sayo pauwi, nagmamadali kasi ako e.’
“Ah, okay lang yun! Basta bukas sabay tayo ha!”
‘Sure.’
“Antok ka na?”
‘Yep. Tulog na ko ha? Good night.’
“Sweet dreams.”
Kinabukasan, nagtext agad ako sa kanya.
“Good morning Juls! Kamusta tulog?”
Obvious na ba ko? Siguro naman hindi kayo slow para hindi mapansin na may gusto na ko sa kanya diba? Siya kaya? Napapansin niya na kaya?
‘Good morning Moe! Okay naman, napanaginipan kita! :p’
Napangiti na naman ako sa reply niya.
“Talaga? Oh edi ang ganda ng umaga mo! Hahahaha.”
‘dejokelang.’
Tss.. Ayan na naman siya, pinagtitripan na naman niya ko. Feeling ko nga alam niya na yung nararamdaman ko para sa kanya e, kaya pinapakilig niya ko tapos biglang bawi! Aynako!
“Daanan kita mamaya? Sabay tayo!”
‘Maaga ako aalis e. May pupuntahan pa ko. Pag-uwi na lang tayo sabay.’
“San ka pupunta? Samahan na lang kita.”
‘Di na. May kasama ako e.’
Sino kayang kasama niya!? Hindi naman siguro lalaki diba? Ayaw nga niyang makipagkaibigan sa boys e. Baka lakad nilang mga girls yun. Hindi nga talaga ko pwedeng sumama dun.
Pumasok na lang ako mag-isa. Pagdating ko sa gate, nakita kong may kotseng huminto, napahinto rin ako. Hindi ko alam pero parang may bumubulong sakin na hintayin ko yung bababa sa kotse. May bumaba na lalaki mula dun sa driver seat, binuksan niya yung kabilang pinto. Nanlaki yung mata ko nang makita ko si Julie.
So siya pala yung kasama niya kanina!? Akala ko ba ayaw niyang makipagkaibigan sa lalaki?! Eh sino tong naghatid sa kanya!? Tapos para kong sinilaban nang bumeso sa kanya yung lalaki. Kitang-kita ko yung ngiti ni Julie, sobrang saya niya. Habang papalayo na yung kotse nakatingin pa rin siya dun at kumakaway.
Naglakad siya papunta sa gate, nang nakita niya ko, ngumiti siya sakin.
“Elmo!”
Nginitian ko lang siya. Pero alam ko, ang plastic ng ngiti ko. Sabay kaming pumasok. Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang magtanong.
“Sino yung naghatid sayo?” tumingin siya sakin.
“Ah, nakita mo pala.” Tumango ako at naghihintay ng sagot niya.
“Si George yun. Pinakilala sakin ng friend ko.”
Tumango-tango ako. “Akala ko ba, ayaw mo nakikipagkaibigan sa lalaki?”
“Iba si George.” Nakangiti siya nang sinabi niya yon.
“Gusto mo siya?”
“Hmm.. Siguro. Nung nasa party kami nung friend ko last night, kumanta siya then magaling din siya sumayaw, tapos masaya siya kasama. Gwapo pa! Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya diba?”
Party last night? Ibig sabihin, siya yung kasama ni Julie kagabi!? Parang gusto ko manuntok!!
“Nililigawan ka niya?”
Umiling si Julie.
“Pano kung ligawan ka niya? Papayagan mo ba siya?”
“Depende.” Tipid ng sagot niya!
“Depende san?”
“Depende kung mauunahan siya.”
“Mauunahan?”
Tumango siya, “Yep, may hinihintay kasi ako e!” ngumiti siya bigla at naunang maglakad.
May hinihintay? Sabihin niyo ng slow ako, pero loading talaga bago ko maintindihan yung sinabi niya! At ang feelingero pa ng intindi ko. Iniisip ko na ako yung hinihintay niya. Sana, ako nga.
Katulad nang sinabi niya kanina, sabay nga kaming umuwi.
“Hindi ka susunduin ni George?”
“Hindi.”
“Bakit?”
“Eh diba sabi ko sabay tayo?”
Oo nga naman. Sabi niya nga na sabay na lang kami pauwi. Pero kung ayaw naman niya hindi ko naman ipipilit e. Baka nahihiya lang siya na tanggihan ako, kaya pinipilit niya pa rin na bigyan ako ng time kahit na may George na siya. Pero teka, hindi naman sila diba? So, may laban pa ko! Dapat hindi ko siya pakawalan.
“May reh tayo bukas diba?” tanong ko sa kanya nung parehas na kaming natahimik.
“Hindi ako makakapunta e, pero nagpaalam na ko.”
“Ha? Bakit? May importante ka bang gagawin?”
“Nagpaalam na ko dati pa. Pupunta kaming Bora this weekend e.”
“Sino kasama mo?”
“My girls.” Lumaki yung ngiti niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Kala ko si George na naman kasama niya e.
“Ingat kayo ha.” Nginitian niya lang ako.
—
“Good evening Juls, kumain ka na?” Sent! Habang tumatagal padalas ng padalas yung text ko sa kanya. Naiisip na niya siguro na feeling boyfriend ako! Iba pala talaga pag araw-araw mong nakakasama yung isang tao nu? Yung habang tumatakbo yung oras ay nakikilala namin ang isa’t isa. Madami akong nalalaman tungkol sa kanya, siya din ganun sakin. Tapos bawat araw lumalalim nang lumalalim yung nararamdaman ko para kay Julie Anne. Hanggang sa nagising na lang ako isang araw na, siya yung unang nasa utak ko at gusto kong makita. Oo, mahal ko na nga talaga siya.
‘Yep yep! Tapos na! Hehehe. Ikaw, nagda-diet ka pa rin ba?’
“Hindi na. Hahaha. Payat ako sabi mo e!”
‘Hahahaha. Joke lang kasi yun.’
“Sineryoso ko yun. Hahaha.”
‘Ang adik mo. Matulog ka na kaya.’
“Inaantok ka na nu?”
‘Actually, papatulog na ko nung nagtext ka. Maaga kami aalis bukas e.’
Halos 10 minutes kong paulit ulit na binasa yung irereply ko. Isesend ko ba? Bahala na. Sent!!
“Oo nga pala, sige tulog ka na, baka maiwan ka nila. Good night. Mamimiss kita.. Ingat kayo ha. Much love!”
Much love? Ang bading nu? Hahaha. Hindi ko pa kaya na diretsuhing “I love you” e! Baka iwasan niya ko sa Monday! Nanlalamig na ko sa irereply niya. Tama ba yung ginawa ko? Tama bang dinagdag ko pa yun? Pag kay Natasha ko naman sinasabi yun dati hindi ako kinakabahan ng ganito pero ngayon ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Hayayaaaay!
Isang oras na nakalipas pero wala pa rin siya reply.. Nagalit ata!!!
Kinabukasan paggising ko, chineck ko kagad yung phone ko. Halos napalundag ako sa pagbangon nung nakita kong may text siya..
‘Good Morning Moe! Nakatulog na ko kagabi, sorry! Hehehe. Mamimiss din kita. Ingat ka dyan! Love yah!’
Sheeeeeeeeeeeeet!!!! Bakla mode on!! Kinuha ko yung unan at niyakap ng sobrang higpit! Tapos pagulung-gulong ako sa kama. Paggulong ko sa isang side, sinilip ko ulit yung text niya, “Mamimiss din kita. Ingat ka dyan! Love yah!” napagulong na naman ako sa kabilang side!! Hahahahaha!!
Tumayo ako, at hindi ko binibitawan yung phone ko!!! Itatanong niyo pa ba kung bakit? Hehe! Binuksan ko yung PC ko. Pag check ko din kasi ng twitter sa phone, online siya!
MyJaps: Boracay, wait for us! Haha!
Tapos, nagfacebook ako.
‘Elmo Magalona changed his relationship status from Single to It’s Complicated.’
Nagtataka rin ako kung bakit ko pinalitan? Bakit it’s complicated? Ano nga ba meaning nun? Ang pagkakaintindi ko kasi, mahal niyo ang isa’t isa pero hindi pa pwede. O kaya dahil malabo pa ang sitwasyon ngayon. Ganun naman kami diba? Malabo yung sitwasyon namin ngayon. Parang kami, pero hindi official. O kaya feeling ko lang na kami. Tss.. Basta!
SuperElmo: @MyJaps You take care! Miss na agad kita!
MyJaps: @SuperElmo hahaha, nabasa mo na text ko?
SuperElmo: @MyJaps yep! Kaya nga ang ganda ng araw ko e!
Hindi na siya nagreply. Baka nagfifeeling nga lang talaga ako?
‘Julie Anne San Jose changed her relationship status from Single to It’s Complicated.’
Poteeeeeeeeeeeeek!! Sino ba naman ang hindi magfifeeling diba!? Hahahahahaha! Nahampas ko yung table sa sobrang saya! Ano ba yan! Nakakabaliw! Hahahahahaha!
Nung bumalik na yung normal pulse rate ko tumayo na ko at naligo. May reh pala kami! Muntik ko nang makalimutan!
—
Papauwi pa lang ako, panay na ang check ko sa phone. Kanina ko pa siya gusto tawagan kaso ayoko naman siya guluhin. Hindi rin siya nagtetext. Tapos hindi na siya nagtweet. Baka nga nag’eenjoy na siya ngayon.
Pagpasok ko ng bahay, nagpost siya sa instagram. Yung saya ko kanina biglang doble yung bagsak. Nagpost siya ng picture, kasama niya si George. Yakap niya pa sa leeg yung lalaking yun tapos si George nakayakap sa bewang niya. At nakaswim wear pa sila! Shet naman oh. Binagsak ko yung phone sa sofa. Wag niyo na itanong kung bakit sa sofa! Sympre dun malambot e!
Kinuha ko yung unan, kung kanina niyakap ko yung unan ko sa kwarto ng mahigpit ngayon nabalibag ko sa sobrang inis! Tama, nagfifeeling nga lang ako!
Simula nun, hindi ko na hinawakan yung phone ko. Magdamag akong nagmukmok. Ang sakit e. Ang sakit. Yung relasyon namin ngayon, naging komplikado talaga! O ako lang talaga nag-iisip na komplikado?
Hanggang Sunday ng gabi hindi ko ginagalaw yung phone ko. Ang dami niya ng text pero wala akong binuksan kahit isa. Feeling boyfriend na naman ako na nagtatampo dahil may nakitang kasamang ibang lalaki ang feeling kong girlfriend ko.
Nakatitig lang ako sa phone ko, iniisip ko kung babasahin ko ba yung mga text niya. Bibitawan ko na dapat nang bigla siyang tumawag. Lumakas yung kabog ng dibdib ko.
“Hello?”
“Moe, nabasa mo ba yung mga text ko? Kanina pa ko nagtetext sayo e. Kanina pa ko naghihintay dito.”
Naghihintay!? Ano!? Nasan ba siya?!
“Ha? Ngayon ko lang kasi nacharge yung phone ko e!” okay, nagsinungaling ako. “Nasan ka? Bat mo ko hinihintay?”
“Basahin mo yung mga text ko.” Bigla niyang binaba yung phone. Galit ba siya? Ano ba yung ginawa ko?
Binasa ko na agad yung mga text niya…
‘Moe, pwede mo ba ko sunduin sa airport?’
‘Elmo, 8pm ang balik ko sa Manila ha.”
“Moe asan ka na?”
“Elmo?”
“Hey!”
“Moe!”
“Elmo, naiiyak na ko… Asan ka na ba?”
“Elmo!”
“Moses!!!!”
8pm!? Eh 10 pm na ah!?!!??!?!?! Mabilis akong lumabas ng bahay, nagpara agad ako ng taxi. Buti na lang may naligaw na taxi dito sa loob ng village! Sinusubukan kong tawagan si Julie, pero hindi niya sinasagot. Tapos yung mga sunod kong tawag, hindi ko na siya makontak. Ano ba yaaaaaan! Galit talaga siya! Ano ba naman kasing pumasok sa utak ko at di ko binasa mga text niya e!!
Wala ba siyang kasama? Hindi kaya, nag-away sila ni George tapos umuwi siya mag-isa at iyak siya ng iyak ngayon? Kailangang kailangan niya ko ngayon tapos ganito pa ginawa ko. Napakaselfish ko. Dahil lang nasaktan ako, kinalimutan ko siya. Naiinis ako sa sarili ko..
Pagbaba ko ng taxi mabilis akong tumakbo papunta sa lobby ng airport.. Nakita ko kagad siya. Mag-isa nga lang siya. Nakasuksok yung earphone niya at nakayuko siya. Nahihiya akong lumapit. Basta, kailangan ko mag-sorry!!!
Paglapit ko sa kanya tumingala siya at tiningnan ako. Tinanggal niya yung earphone niya.
“Kala ko di ka na darating e. Tara na.”
Pagkatayo niya, niyakap ko siya agad. “Sorry Julie!! Sorry talaga! Sorry.. Sorry..”
Tumawa lang siya ng mahina. “Okay lang.. tara na?”
Binitbit ko yung gamit niya. Tapos nagtaxi na kami pauwi sa kanila. Hindi ko alam kung pano ko siya kakausapin. Bakit ayaw niyang umiyak?
Pagdating namin sa tapat ng bahay niya, kinuha niya na yung mga gamit niya sakin.
“Gusto mo pumasok?”
Umiling lang ako.. “Okay ka lang ba talaga?”
Tumawa ulit siya.. “Ano bang nangyayari sayo? Hahaha.. Okay nga lang ako..”
“Hindi ba kayo nag-away ni George?”
Nag-iba yung ekpresyon ng mukha niya “Bakit kami mag-aaway?”
“Diba kasama niyo siya? Akala ko puro girls lang kayo.. Nagulat ako na kasama niyo si George.”
“Ahmm..”
“Siguro nga ganun talaga pag mahal mo yung isang tao nu? Kahit na ang usapan ng barkada e girls lang, ipipilit na isasama mo si George..” ayan na, hindi ko na napigilan ilabas yung nararamdaman ko.
“Itatanong ko dapat sayo kung pwede akong sumama e, kaso yung sinabi mong puro babae kayo hindi ko na lang sinabi. Tsaka, ano pang gagawin ko dun kung kasama mo naman si George diba?” hindi ko na talaga napigilan yung sarili ko! Kailangan kong sabihin to!!
“Teka.. Nagseselos ka ba kay George!?”
“May karapatan ba kong magselos?” hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sakin. Ngumiti ako, yung plastic na ngiti. “Kalimutan mo na yung sinabi ko, sige.. mauna na ko..”
Tumalikod na ko. Nakakadalawang hakbang pa lang ata ako..
“Bading si George.”
Gulat akong napalingon sa kanya. Mabilis akong lumapit ulit. “Anong sinabi mo?”
Natawa siya ng malakas. “Sabi ko bading si George!”
“Totoo?”
“Oo.. Totoo..”
“Eh bakit bigla kang umuwi?”
“Kasi.. namimiss na kita e! Kaya nga ko nagpasundo sayo para makita na kita agad e!”
Bigla akong napangiti. Kinagat ko pa yung labi ko para mabawasan yung laki ng ngiti ko.
“Eh bakit sabi mo sakin, hindi mahirap magustuhan si George!?” hindi pa rin ako kuntento sa sinabi niya. Gusto kong makasiguro.
“Para maalarma ka!”
“Maalarma?”
Lumapit siya sakin at tinapik ng mahina yung noo ko. “Oo, ang bagal mo kasi e!” tumalikod siya at naglakad papasok sa gate.
Sa pagkakataong yun, hindi ako slow! Hindi nagloading yung sinabi niya. Mabilis ko siyang kinabig at niyakap.
Hinalikan ko siya sa noo..
“Much love Julie!!”
Tumawa siya at kinurot yung ilong ko .
“Love yah Elmo!”
‘Elmo Magalona changed his relationship status from ‘It’s Complicated’ to ‘In A Relationship with Julie Anne San Jose’
‘Julie Anne San Jose changed her relationship status from ‘It’s Complicated’ to ‘In A Relationship with Elmo Magalona’
